Sunday, February 26, 2012

birthday blog

February 26, 2012  7:47pm Sunday

well, supposed to be this is my day.. and like any other days, this one is pretty normal.. just ate and ate lotsa food.. just like my normal day..

(dugo ilong, nosebleed)

ewan ko ba..parang naghihintay ako kung anong magaganap sa araw na to..
hinayaan lang ako ni kuyang mag-online buong araw dahil nagawa sya ng Gundam Origami nya...
pero wala pa ding ganap..

nakakatanga..
napagod na kong manuyo pero bakit ni hindi man lang ako mapagod sa paghihintay at pag-asa?..
siguro nga hinihintay ko nalang matapos tong semester na to para tapos na lahat..hindi dahil sa ayoko ng makita ang mga tropa kong sobrang astig pero dahil sa iba pang dahilan..

nakakapagod..
nakakapagod talaga lahat ng nangyari.. malakas ako pero wala eh..di ko kinaya.. sabi nga ng isa kong kaibigan.. pag napagod ka na.. magpahinga ka na ng tuluyan kasi wala ring saysay kung magpapakapagod ka lang ulit ng walang matatamo.. 

nakakapanghinayang..
yan ang dala ng retreat.. andami kong natutunan sa mga sessions sa loob ng conference room pero yung mga napaguusapan ng grupo namin habang break time at nasa iisang kwarto ay hindi kailanman matatapatan at matutumbasan ng kahit na ano.. yung huling conference nga na dapat e si ka-drayber ung bigyan ng payo eh parang ako na rin ata ang natauhan.. wala akong nagawa kundi makinig lang sakanila..well, andun din naman sya sa kwarto na yun at pinapanood ako maglaro ng hangman.. ayoko nalang talagang magsalita nung mga panahon na yun.. tulad nga ng sinabi nya sa isa pang SNS, retreats should be made earlier and longer, mas maganda nga siguro kung nagkaganun.. dahil sa retreat nalang din na un ko siya nakausap ng ganon katagal.. ewan ko ba..achievement ko na yun.. di ko inaasahan eh.. marami rami din akong pinanghihinayangan pero wala na kong magagawa kasi andun na yun...

dapat masaya ako ngayon kasi birthday ko.. pero hindi eh.. hindi ako naging msaya sa araw na to... gusto ko sana at pinilit ko namang maging pero wala...

happy birthday sakin....

8:02pm...

Friday, February 17, 2012

Messages

i've kept this draft of MMS in my phone for weeks now..hoping that one day i can show it to someone whom i care about so much,...

andami ko ng gustong sabihin sayo...
sana lang kasi nagkakausap tayo...
hindi yung ganito na parehas tayong nahihirapan (siguro)...
siguro nagtataka ka din kung pano ulit nangyari ang mga ito...
ayoko sabihin sayo ng harapan...
kasi gusto ko na ikaw mismo ang makarealize kung bakit...
pero dahil sa tumagal na ng ganito..
sa tingin ko hindi mo na inalam ang rason..
hinihintay ko lang naman na marealize mo sa sarili mo,..
kung importante din ba ako sayo..
kung kailangan mo pa ba ako..
at dahil sa hindi mo na inalam ang mga bagay na to...
nalaman kong hindi na rin ako ganoong kaimportante sayo..
akala mo din siguro na umayaw nalang ako bigla..
sa unang tingin parang ganun nga..
pero hindi...

"hindi ako susuko"

yan ang sabi ko sayo dati kung naaalala mo pa..
binigyan lang kita ng oras para gawin ang mga bagay na gusto mong gawin..
at hinihintay ko lang na kausapin mo ko once na okay na..

aaminin ko sayo na napagod na din ako..
siguro yun na yung pinakamatagal na kaya kong ipaghintay..
pero hanggang ngayon pinipilit at umaasa nalang ako...

sabi nga ng iba na antibay ko..
1 year is a very long time daw just waiting for you..
siguro that's my limit..
pero kahit nasa limit na eh eto parin ako..
nagmamasid..
naghihintay lang na kausapin mo ko..
dahil alam mo ba..
magiging ok din naman tayo agad kung gugustuhin mo lang..

ganun kita kamahal...

kahit ilng buwan kitang hintayin ok lang..
kung babalik ka ok na lahat..
kung hindi ok lang din..
dahil para sa akin, yung pagbibigay ko ng time sayo para gawin ung mga gusto mo..
ay isang malaking sakripisyo na..
hindi mo siguro alam kung gaano kahirap makipagsabayan sa lahat..
kaya't nagdesisyon akong bigyan ka ng oras..

nagkamali ka lang ng pagintindi ng isipin mong sumuko na ako...
yes..
you got me wrong...

but wrong or not, we're here already..
andito na tayo..

i just wanna say..
i love you..
i love you very much..
more han you'll ever know..
and i miss you..
very much..

thanks for being part of my life...
i'll just be here..
waiting for you..
to love me again...