Wednesday, August 3, 2011

Compose Blog Entry

7:50am August 3, 2011 Wednesday

imbes na gumawa ng assign sa Copy Writing eh inuna ko muna to? wasak lang eh.. malamig ang panahon ngayon..ika nga momol weather para sa mga ibang nakakaalam ng terminolohiyong ito..(NP: Hangover / Sugarfree) ayan napapakanta ako..wala akong maisulat...

malamig..masarap matulog pero di magkanda-ugaga ang mga estudyante sa paggawa ng assignment para sa klase bukas..madami kasing gagawin pero bakit ako andito? dapat gumagawa din ako.. wala lang..gusto ko lang muna magsulat dito para makapagfocus ako mamaya sa assignment..tapos may duty pa kami mamayang hapon..

(NP: Kundiman / Silent Sanctuary) Kung hindi man tayo hanggang dulo wag mong kalimutan andito lang ako laging umaalalay hindi ako lalayo, dahil ang tanging panalangin ko ay ikaw...
napapakanta lang.. ayun..masaya naman sya kahit wala akong gawin..nakikita ko naman kahit di kami nag-uusap..ewan ko ba kung bakit di ko magawang kausapin sya di gaya nung last sem.. (bahala na.. ayoko munang magsalitaaaaaa hayaan na muna natin ang daloy ng taaaaddddhhhaaaannnnaaaaa...) hindi ko din maintindihan ang sarili ko at kung bakit hinayaan kong tumagal ng ganito.. 

(NP: Pangarap lang Kita / Parokya ni Edgar) natotorpe dre? baka nga..bakit nung una hindi naman? siguro nga hindi lang sa una nagiging torpe ang tao..i won't say na lalake lang ang natotorpe nowadays... (NP: Before you exit / The Script) ang ganda diba..wala akong magawa ngayon..silent mode nga eh..badtrip lang diba...andun ung kagustuhan kong makausap sya pero di ko magawa..tapos eto pang isang ninjang itatago natin sa pangalang a-kinse eh nagsabing "bakit hindi nalang un?" nung may dumating na kakilala namin..wasak dre.. 

(NP: Like we used to / A Rocket to the Moon) ayan ang kantang nakaka LSS talaga care of Jordan Garcia.. (will he love you like i loved you? will he tell you everyday? will he make you feel like you're invincible with every word he will say?..) hindi ako agad agaran nagpapalit o naghahanap... sabihin nyo ng old school pero sa ganitong bagay lang ako layo sa uso..

ewan ko ba kung bakit...nairita ako nung may nag-aya sa kanya na manuod ng sine..kahit na tutok ako sa phone ni dad eh nakikinig parin ako..kasi katabi ko sya at alerto lang ako..nag-iisip kung kakausapin ko ba o hindi...


..gagawa na ko ng assign...pagod na ko magtype........

2 comments: