Sunday, August 4, 2013

Random things about me

August 4, 2013
10:32pm Sunday

So I'm back with another set of random things about me that i saw from the internet. Let us begin!!

What is your middle name?: Gayamo

What was favourite subject at school?: PE, Science and World History

What is your favourite drink?: Kopiko Brown Coffee

What is your favourite song at the moment?: Fade Away by Sugarfree (too bad they already disbanded -_-)
 What is your favourite food?: Pasta! (except for Carbonara)

What is the last thing you bought?: A forty pesos (PhP 40.00) earplugs in CD-R King


Favourite book of all time?: Stainless Longganisa by Bob Ong

Favourite Colour?: White

Do you have any pets?: Yes

Favourite Perfume?: oh i forgot the name.. lol

Favourite Holiday?: New Year

Are you married?: Nope

Have you ever been out of the country, if so how many times?: Nope

Do you speak any other language?: Yeah, besides my native tongue (Filipino), I'm very well versed in English, 5%  Japanese, 5 stars in Gibberish.

How many siblings do you have?: One sister and one brother (i'm the youngest)

What is your favourite shop?: None

Favourite restaurant?: I have 2 faves (3 if you consider Paotsin as a restaurant) so it would be World of Chicken and Shakeys

When was the last time you cried?: 9years ago (according to my other post way back)

Favourite Blog?: none


Favourite Movie?: I am Legend, League of Extraordinary Gentleman, Pirates of the Caribbean (all of them), Lord of the Rings Trilogy, The Matrix Trilogy, Bruce Almighty, Seven Pounds

Favourite TV show?: Heroes, Anthony Bourdain (all of his shows), 15minute meals with Jamie Oliver, Iron Chef

PC or Mac?: PC

What phone do you have?: LG L3 E400 and Samsung Champ

How tall are you?: 5ft 8.5in

Can you cook?: Yes.

So that's it.. i'm trying to find others like this one cause its fun to answer these kinds of questions. lol

Sunday, July 21, 2013

25 Things About Me

Sunday / July 21, 2013 / 8:26 pm

Dapat talaga puro rants lang ang ilalagay ko sa blog kong to ngayon, pero dahil sobra sobra na yung pagka BV ko for the past 2 days.. I decided not to continue with the "emo" theme of the whole blog (ayokong nagpapatama kahit na kanino kaya might as well keep it for myself). So now, eto nalang muna ang ipopost ko..

25 Things You May or May Not Know About Me

1.) Wala akong sariling kwarto
  • Yep, naghahati kami ng aking kuya sa isang malaking kama (kasya apat na tao kapag nakahiga, lagpas isang dosena kapag nakatayo) at malakas na electric fan.
2.) Mahilig ako sa Pancit
  • Kahit anong luto sa Pancit okay ako (lalo na kapag Pansit Habhab) :3
3.) May walo (8) akong tropa nung highschool at hanggang ngayon tropa parin
  • Yung iba sa kanila since Grade 5 pa. So alam na namin ang takbo ng mga utak ng isa't-isa
4.) May dose (12) akong tropa nung college
  • 1st course ko ay Nursing pero wala na kong kaconnect sa mga naging kaibigan ko doon (yep, kahit pagbati lang ng Happy birthday wala. Nung lumipat ako ng Communication, nagkaroon ako ng mga bagong tropa. Inaamin ko sa doseng katao na yan, meron akong kinoconsider na inner circle (lima sila)
5.) Di ako nagala ng malayo kapag walang kasamang katropa
  • Nakakaboring kaya yun kapag wala kang kasama
6.) Touchy akong tao
  • Ganun lang talaga ako kaya wag kayong matakot sakin kung bigla ko kayong kalabitin, hawakan or i-hug (eto eh nakasanayan na nung nasa college pa ko, para sa amin eto yung form of greeting namin sa tropa)
  • Gustong gusto kong hinahawakan yung kamay (kapag babae lang ah, di talo ang mga boys)
7.) Old School in terms of Panliligaw
  • Yep, ako yung taong mabagal kumilos pagdating jan, dahil pinakikiramdaman ko lahat ng kinikilos ko at nung isa. Wala akong maipagmamalaking talent (kung talent yung angking galing sa pagkuha ng datos tungkol sa ibang tao na di ko kakilala, pwede na). May pagka torpe talaga ako kasi marami na kong napagdaanan na di kanais nais.
  • Hindi ako nagbibitiw ng L word hangga't hindi ko naipaparamdam. Paramdam muna bago banggit.
8.) Ako yung laging huling nagcconfirm sa mga lakad
  • May rule ako sa mga tropa ko nung highschool na kapag may event or gala, hindi ako pupunta kung hindi sila lahat pupunta (yup and they know about it kaya di sila nagpplan ng mga event/party na di makakapunta yung iba kasi di ako pupunta)
9.) Tinatawag akong "Boss" nung mga tropa ko nung highschool
  • Hindi ko alam kung paano or saan nagsimula pero itatanong ko sakanila kung bakit.
10.) Nakatago lahat ng mga luma kong cellphone
  • Lahat sila nagana (with matching complete accessories pa). Kaya ko sila tinatago ay para sa mga emergency situations (tulad nalang kung kelangan kong sirain yung pader namin, gagamitin ko yung nokia ko.)
11.) Napagkakasya ko ang 200 sa isang araw ng galaan
  • Hindi ako magastos na tao at hindi rin ako kuripot na tao. Okay na ko sa lunch na turo-turo or yung Paotsin sa SM.
12.) Di pa ko naliligaw sa tanang buhay ko
  • Mukhang hindi makatotohanan pero maniwala kayo't sa hindi totoo yan. Siguro nung nagpasabog si God ng sense of direction, nagssun bathing ako. 
13.) May sarili akong mundo kapag naka earphones na ko
  • Earphones on - Max Volume - World Off (pero hindi ibig sabihin na di ko na kayo naririnig kapag naguusap kayo. Isa pa ito sa mga "talent" na meron ako; kahit bulong lang yan basta within 0-3meters away naririnig ko yan).
  • Isa din itong indication na ayokong makisali sa usapan ninyo or ayoko lang marinig ang pinag-uusapan nyo
14.) Ayoko nung hindi ko naiintindihan yung pinag-uusapan nila
  • Nakaka alien kaya tsaka nakaka - OP pag ganun
15.) Ako ang Physical embodiment ng mga salitang "Hindi nag-aaral pero nakagraduate"
  • Dinaan ko sa stock knowledge at creativity ang college ko (dahil yun ang required sa course namin)
16.) Hindi ako nakikipag-usap online sa mga taong hindi ko gusto kausapin
  • Siguro sa buong list ko, apat lang yung kinakausap ko kaya nakakalungkot kapag hindi sila nagrereply.
17.) Marunong akong magluto pero di ko maperfect ang sunny side up na itlog
  • Marami na kong naluto na mga putahe (kahit yung mga putahe ng ibang bansa nagagawa kong iluto) pero hindi ko parin maperfect ang pagluluto ng sunny side up na itlog.
18.) Ako yung taong pala-hatid
  • Gustong-gusto kong naghahatid once na natapos yung tambay or gala kasama yung mga tropa ko (or siguro dahil nakaugalian na ang ganun samin)
 19.) I always save a number on my phone
  • Basta number na ginamit ng kaibigan ko sinasave ko (for emergency purposes at para maiwasan ko yung pagtetext ng "Hu u?")
20.) Dalawa palang mula sa lahat ng mga katropa ko ang nakapunta at nakakaalala kung nasaan ang bahay namin
  • Yep, dahil hindi ako sanay na nagpapapunta ng mga tao sa bahay namin sa kadahilanang wala akong maipapakain sa kanila at  parang gubat ang bahay namin (hindi sementado yung labas at maraming puno't mga halaman)
21.) Pag sinabi kong maghihintay ako, naghihintay ako
  • Eto na siguro yung malaking "double-edged sword" ng pagkatao ko. Basta sinabi kong maghihintay ako, naghihintay talaga ako na kadalasang nagiging sanhi ng aking mga disappointment (ayoko talaga ng naddisappoint)
23.) Its either i'm early or i'm not going
  • Lagi akong ganyan, dumadating ng sobrang aga sa meeting place or hindi talaga ako pupunta. Ako kasi yung taong ayaw kong hinihintay ako kaya might as well ako na yung maaga.
24.) Mahilig ako sa Kape
  • Isa akong Coffee Addict. Nakaka dalawa (2) or tatlong (3) timpla ako ng kape sa isang araw. Favorite ko din na makatikim ng iba't-ibang klaseng kape at hindi buo ang araw ko kung hindi ako makakapagkape.
25.) Ayoko ng feeling na tinataguan/iniiwasan
  • Ayoko talaga ng ganyan kasi may pagkaparanoid ako (kahit hindi ako yung tinataguan feeling ko talaga ako) kaya nagbabago agad yung mood ko.

So ayan ang mga bagay-bagay na marahil karamihan sa mga kaibigan ko ay hindi alam tungkol sakin. Nasa mood sana akong mag-emo ngayon pero ayoko talaga magpost ng ganun ngayon (alam kong hinihintay ng friend kong ipost ko yun para may mapagusapan kami pero not this time)

I'm gonna take my time
Make sure that the feeling's right
Instead of staying up all night
Wondering where you are


***

I can't stop wondering why
You're taking so long to find

***

I'm gonna fall in love
Someday, somewhere you'll show up
I'm gonna get that old feeling
I'm gonna get that old high



Thursday, July 11, 2013

Bakit kaya?

July 11, 2013 / 9:00am / Thursday

Nitong mga nakalipas na linggo, ako'y napapag-isip-isip, nababagabag sa tanong na paulit-ulit kong tinatanong sa sarili ko.. isang tanong na tila naitanong na ng karamihan sa kanilang sarili sa pag-aasam ng isang matinong sagot..

bakit kaya sinasayang ng ibang tao yung chance para pahalagahan yung isang taong once lang dadating sa buhay nila?


Napapaisip nalang ako tuwing gabi or tuwing ako ay mag-isa sa bahay habang nagpapahinga; na bakit nila sinasayang yung mga panahon at pagkakataon nila na magbigay ng oras para sa nagiisang tao na once lang dumadaan sa buhay ng bawat isa? Ni hindi nga iyon nararanasan ng iba kaya nga ang tingin ko sa mga taong may pinapahalagahan eh masuswerte dahil may isang tao na dumaan sa buhay nila na nakita at nagustuhan sila sa kung sino sila. Para sa akin rare yun dahil marami na sa panahon ngayon na panlabas lang ang tinitignan at bibihira na yung mga taong tumitingin hindi lamang sa panlabas kundi pati sa panloob na katangian.

Hindi ba nila alam na napakaswerte nila dahil mayroong nagpapahalaga sa kanila? tapos hindi man lang nila ito binibigyan ng importansya? oo nga sabihin na nating unfair ang buhay pero sana naman wag na silang dumagdag sa kontekstong yun. Hindi nila siguro nakikita yung tunay na halaga nung tao, na hindi nila iniisip na mayroong ibang tao na gugustuhing makipagpalit ng posisyon sakanya. 

Sa libu-libong pagkakataon na tayoy nagkasama
Iilang ulit palang kitang makitang masaya
Naiinis akong isipin na ginaganyan ka nya
Siguro ay hindi niya lang alam ang iyong
Tunay na halaga

Kanta ito ng bandang Parokya ni Edgar na nakilala noong 2000s.. Nakakainis isipin diba? Pagkatapos kong makadaupang palad ang mga taong nagpapahalaga ngunit hindi napapahalagahan (hindi ako tumutukoy sa iisang tao lang, marami na rin akong nakilala na may ganitong hinanakit), hindi ko maiwasang mainis sa mga nakarelasyon nila, sa pagbabalewala nila sa mga nagpapahalaga sakanila na ngayon ay iniwan nilang nag-iisa. 

Ang dami-dami naman diyang iba
Wag kang mangangambang baka wala ka nang ibang Makita

Na lalake na magmahal sayo
At hinding hindi nya sasayangin ang pag-ibig mo

Dun sa mga naiwan o hindi nakaramdam ng pagpapahalaga, sa tingin ko naman tama na yung ginawa nila na paglayo at pagtatapos sa isang relasyon na mas maraming problema ang dala kaysa sa sarap ng pagsasama.. sabi nga nila marami pang iba dyan at sabi din sa kanta ng PnE "Wag kang mangangambang baka wala ka nang makita na lalake na magmamahal sayo, at hinding hindi nya sasayangin ang pag-ibig mo" dahil marami pa talaga or baka nga nandyan lang sa tabi nyo na naghihintay lang din na mapansin nyo. Masarap ang may minamahal at pinapahalagahan na pahahalagahan ka din. Naranasan ko na din yan kaya napapasabi ako ng mga ganitong bagay, kaya nga't nanghihinayang ako sa mga taong hindi nakakaramdam,  mga taong hindi marunong magpahalaga. 

Minsan hindi ko maintindihan
Parang ang buhay natin ay napagti-tripan
Medyo Malabo yata ang mundo
Binabasura ng iba ang siyang pinapangarap ko

Masakit makitang binabasura ng iba yung taong pinapangarap mo. Oo masakit talaga yan lalo na't alam mo ang nangyayari sa pagitan nilang dalawa na para bang andun ka at nanunuod ng soap opera sa tv. Hindi nila alam na may taong handang sumalo sa pangarap nya para lang mapunan yung pagkukulang nang nauna. Na kahit abutin ng matagal na panahon ay ayos lang sa kanila.

Anong gagawin ko? hindi ako magdadalawang-isip na pahalagahan yung iniwan nila dahil may nakita akong hindi nila nakita. Na alam kong worth pahalagahan at worth taking the risk. Dahil alam ko din kung anong pakiramdam ng maiwan at hindi pahalagahan. Yan ang naging kalbaryo ko sa loob ng nakaraang dalawang taon. Alam ko kung paano pahalagahan ang isang tao lalo na't karapat-dapat syang sumaya nang walang iniisip mula sa nakaraan. 

(as of the moment, wala akong pinatutungkulang specific na tao / mga tao sa post na ito, sariling pananaw ko ito at maaaring magbago sa pagdaan ng mga araw)

Tuesday, July 9, 2013

Pagbabaliktanaw

July 9 2013, 4:30pm, Tuesday

Para bago naman, magtatagalog ako sa blog ko na to. Since nung huling post ko dito (which is nung March pa), marami akong pinagkaabalahan sa aking buhay-buhay. Nakapunta ako sa iba't-ibang lugar na first time ko lang mapuntahan (isa na dito yung makapag gala sa Shangri La o kaya pumunta sa Quezon City para kumuha ng Birth Certificate sa NSO), marami rin akong natry na iba't-ibang pagkain (mga turo-turo na wala dito sa amin), marami din akong nakasalamuhang mga tao (more than one is many).

Well, nagback read ako ng mga post ko nung ako'y nag-aaral pa at nakita kong napakadrama pala ng buhay kolehiyo ko. Alam ko namang nag-enjoy ako sa mga pinaggagawa namin noon or ni wala man akong regrets sa mga taong nakilala o nakadaupang palad ko ng mga panahon na yon. Masasabi ko lang na malaki ang pasasalamat ko sa lahat ng taong naging kaibigan ko at naging malapit sa akin sa limang taon ko sa kolehiyo (oo limang taon, wag mo nang itanong kung bakit), basta nagpapasalamat ako sa kanila dahil nairaos ko ang aking pagiging estudyante nang dahil sa kanila. so para sa mga katropa ko nung college, Ka Jords at Ka JM, sa bestfriend/shitmate/mome kong si Jam na walang kapantay, sa aking ama na si X, sa mga kapatid ng aking mome na sina Pritchi at Pat, kasama na din sa listahan ang aking lemon na si Mae, sa aking nag-iisang anak na si Lue, sa mga walang katapusang kwentuhan kasama sina Mel at Jo, sa kakulitan ni Peps at Boj.. at sa ibang anonymous na hindi ko na mababanggit dahil hindi naman to last will and testament.

Inaamin ko naman na madrama talaga ang buhay kolehiyo ko, ganyan talaga, pag nagmahal tayo, masasaktan tayo (hindi naman pwedeng puro sarap lang). Ang sa akin lang eh i wish na maging happy sya sa mga ginagawa nya at maging successful sya sa buhay. Marami rin akong natutunan dahil sa mga pangyayari, natutuo akong makinig sa mga pinagsasabi ni Papa Jack sa radyo, sa pag-antabay sa airing ng BNO (Boys Night Out) at natutunan ko din mag-open up sa mga tropa ko (hindi talaga ako pala salita tungkol sa mga ganitong bagay sa personal kaya marami akong nailalagay sa mga ganitong blog). Naging masaya din naman ako dahil naranasan ko ang magkaroon ng pinapahalagahan sa buhay.

So ano na ngayon? nakahanap na rin ako ng trabaho sa isang unibersidad sa may Maynila. Okay na din ang pasweldo kahit na simula sa baba (mas mataas ng kaunti sa minimum pay). Okay din naman yung environment ng paaralan, wala na kong reklamo dun. Okay din kasi makikita ko yung kaibigan kong itatago natin sa pangalang Azalea dahil dun sya napasok bilang estudyante. Tsaka marami na rin akong nakilala dun na sa tingin ko ay okay lang na makasalamuha. Well, mas masaya magkaroon ng mga panibagong experience so go lang ng go.

sa tingin ko mahaba na ito at marami man akong kalungkutang dinaranas ngayon na kahit dito ay ayaw ko nang ilagay, marami na rin akong nasabi na naipagpapasalamat ko at may naaalala pa ko sa aking mga pinagdaanan na nakatulong ng malaki sa kung sino ako ngayon. Kahit na naguguluhan ako sa sarili ko sa ngayon, kailangan maging masaya parin. hanggang dito nalang muna..

PS: wag nyong papanuorin yung A Millionaire's First Love kung ayaw nyong maiyak sa dulo.. hahahahaha, yan ang naging source ng kalungkutan ko nitong mga nakaraang araw..

Thursday, March 14, 2013

How To Get A Postal ID

3:12PM March 14, 2013 - Thursday

I decided to get a Postal ID (the easiest valid id that you can get as they say) in our city of Bacoor in the province of Cavite. I have searched in different forums about how much a postal id cost and based on some blog authors.. it only range from 200-300 and you can get it minutes after you have filed for one as long as you have complete requirements which are the following:
  • 3pcs 2x2 picture (white background, wear shirts with collar)
  • Birth Certificate (photocopy of NSO or LCR birth certificate will do)
  • Cedula (issued by the Barangay)
  • Barangay Clearance
So first thing in the morning after i did my morning routine (jogging and exercise), I've waited until 9am to be sure that the barangay hall is open. There i was first in line and when i asked if i could get a Cedula and a Barangay Clearance, the barangay secretary asked for a Voter's Clearance. He explained to me why is it needed:
  1. Its an initial requirement before getting a Clearance.
  2. It will be an assurance or proof that you are from that municipality/barangay/sitio
  3. If you're residing in a subdivision (such as my case), you must get it from your Home Owners Association President.
  4. I don't know you (he literally said that)
If i knew that there is a thing called a Voter's Clearance needed, I would be willing to get one ahead of time but the problem was I'm not even a registered voter. So i asked the secretary again regarding my case (non registered voter) and he just said " you still need to get a Voter's Clearance from *insert HOA President's name here*.. then i'll give you you're clearance. Hindi kasi kita kilala".. The phrase "Hindi kasi kita kilala" or simply in english " I don't know you"  set it off for me. So does it mean that everybody should befriend you in order to get a clearance? what's wrong with that secretary?

Anyways, I went to our homeowners association and asked for a Voter's Clearance and they asked me if i was a registered voter and i said no. They can't give me a clearance because its just for those who are registered as a voter and not for non registered ones. 

So how will i get my Barangay Clearance now? first thing i did was call the Comelec Office here in Cavite and asked what to do (yep, you can ask them that).. i talked to a woman over the phone and told me to get a Certificate of Non Registration from the nearest Comelec office (usually its located in your Municipal Hall) and then present it to the barangay in order for me to get a Barangay Clearance. She also wondered why is it a requirement for a clearance so i just said i don't know. Still i did not procure one because i told my sister to call the barangay to settle the issue and yes, the barangay secretary gave in. I also asked for a Cedula so he gave me one. Just to be sure i asked him what are the requirements to get a Postal ID and he said the things above (bulleted). I've shown him my birth certificate and asked him if it was valid (it was a LCR Birth Certificate) and he said its okay. So for those who only have their LCR BC with them, you don't need to get a NSO Certified one for the Postal ID. When he saw my maiden name, he apologized to me and said "sorry hindi po kasi kita nakilala". I just said its okay (i'm not angry at that time,, just pissed lol). He added "dapat sinabi mong *insert maiden name here* para naissue-han na kita agad ng barangay clearance".. Sorry but i am not the type of person who will use his/her maiden name to get ahead of system. but now i know there's a perk for being a member of one of the known clan in our area. LOL..

I went to the Bacoor Municipal Hall situated in Bacoor Bayan. For those who don't know how to get there, here are the two routes i usually take:
  • Route 1: From our place (Near Molino) ride a jeepney going to Zapote Talaba/ Baclaran. Get off at Zapote Talaba and ride a jeepney going to Binakayan. Pay 8php and tell the driver to drop you off in the Munisipyo
  • Route 2: From SM Bacoor, ride a jeepney/ Baby bus going to Binakayan or Mabolo. Get off at Mabolo and ride a jeepney going Bacoor Bayan or Zapote Kabila. Pay 8php and tell the driver to drop you off in the Munisipyo.
 Go to the Post Office (beside Regional Trial Court) and go in the office. Ask the man in the first table that you're getting a Postal ID. present him the requirements and he will give you 2 pieces of the form you will need to fill up. Accomplish the form and wait for him to send you to the next room. He will also ask you to keep your Cedula with you.

Inside the next room, you will see a sign "POSTAL ID" in one of the tables there. A woman will issue you a receipt stating that its only 175 but she will get 350 from you. The additional fee of 175 is divided into:
  • Notary
  • Document Seals
  • A Signature
  • Lamination
And there's an additional fee of 80php if you don't have a 2x2 pic with you (or if you have the wrong one/ non collared)

After I have paid for the fees, the woman issued me the receipt and told me to go back the next day at 2pm to get the ID, just present the receipt on the guy outside. (if you won't be able to get the ID at 2pm-5pm the next day, you can get it the following days anytime.)

ADDITIONAL INFORMATION:

Getting a Certificate of Non Registration
  1. Go to the Municipal Hall (Its in Bacoor in my case)
  2. Go to the 4th floor and look for the Comelec Office
  3. Bring with you your Cedula and a Valid ID
  4. Present your Cedula and ID if it was asked 
  5. You will then be asked to wait or go back the next day
Getting a Voter's Clearance (if you're a registered voter and doesn't have his voter's id still)

Living in a Subdivision:
  • Ask an officer from your Home Owners Association as to where and when you can get one (Usually they will point you to the President of your HOA)
  • Ask for the Clearance (make sure he/she signs the clearance or else it will be null and void; also make sure that the one signing is the President of your HOA, the Barangay officials know who the President of each HOA in their area)
 Not part of a Subdivision
  • Go to the Barangay Hall and talk to the Barangay Secretary, he/she will tell you where you can get one or who will you talk to in order to get one. (There was a girl next to me that was asked to get a voter's clearance from a specific person in their area)
  • Go to the location and ask that person for a Voter's Clearance (the person's signature is very important) 
  • When you leave the Barangay Hall, he/she will call that person to notify him/her of your arrival (the secretary will probably phone him/her)
*If you have your Voter's ID with you, just present it to the secretary to be able to get your Barangay Clearance. No need for a Voter's Clearance.