July 11, 2013 / 9:00am / Thursday
Nitong
mga nakalipas na linggo, ako'y napapag-isip-isip, nababagabag sa tanong
na paulit-ulit kong tinatanong sa sarili ko.. isang tanong na tila
naitanong na ng karamihan sa kanilang sarili sa pag-aasam ng isang
matinong sagot..
bakit kaya sinasayang ng ibang tao yung chance para pahalagahan yung isang taong once lang dadating sa buhay nila?
Napapaisip nalang ako tuwing gabi or tuwing ako ay mag-isa sa bahay habang nagpapahinga; na bakit nila sinasayang yung mga panahon at pagkakataon nila na magbigay ng oras para sa nagiisang tao na once lang dumadaan sa buhay ng bawat isa? Ni hindi nga iyon nararanasan ng iba kaya nga ang tingin ko sa mga taong may pinapahalagahan eh masuswerte dahil may isang tao na dumaan sa buhay nila na nakita at nagustuhan sila sa kung sino sila. Para sa akin rare yun dahil marami na sa panahon ngayon na panlabas lang ang tinitignan at bibihira na yung mga taong tumitingin hindi lamang sa panlabas kundi pati sa panloob na katangian.
Hindi
ba nila alam na napakaswerte nila dahil mayroong nagpapahalaga sa
kanila? tapos hindi man lang nila ito binibigyan ng importansya? oo nga
sabihin na nating unfair ang buhay pero sana naman wag na silang
dumagdag sa kontekstong yun. Hindi nila siguro nakikita yung tunay na
halaga nung tao, na hindi nila iniisip na mayroong ibang tao na
gugustuhing makipagpalit ng posisyon sakanya.
Sa libu-libong pagkakataon na tayoy nagkasama
Iilang ulit palang kitang makitang masaya
Naiinis akong isipin na ginaganyan ka nya
Siguro ay hindi niya lang alam ang iyong
Tunay na halaga
Iilang ulit palang kitang makitang masaya
Naiinis akong isipin na ginaganyan ka nya
Siguro ay hindi niya lang alam ang iyong
Tunay na halaga
Kanta
ito ng bandang Parokya ni Edgar na nakilala noong 2000s.. Nakakainis
isipin diba? Pagkatapos kong makadaupang palad ang mga taong
nagpapahalaga ngunit hindi napapahalagahan (hindi ako tumutukoy sa
iisang tao lang, marami na rin akong nakilala na may ganitong
hinanakit), hindi ko maiwasang mainis sa mga nakarelasyon nila, sa
pagbabalewala nila sa mga nagpapahalaga sakanila na ngayon ay iniwan
nilang nag-iisa.
Ang dami-dami naman diyang iba
Wag kang mangangambang baka wala ka nang ibang Makita
Na lalake na magmahal sayo
At hinding hindi nya sasayangin ang pag-ibig mo
Wag kang mangangambang baka wala ka nang ibang Makita
Na lalake na magmahal sayo
At hinding hindi nya sasayangin ang pag-ibig mo
Dun
sa mga naiwan o hindi nakaramdam ng pagpapahalaga, sa tingin ko naman
tama na yung ginawa nila na paglayo at pagtatapos sa isang relasyon na
mas maraming problema ang dala kaysa sa sarap ng pagsasama.. sabi nga
nila marami pang iba dyan at sabi din sa kanta ng PnE "Wag kang
mangangambang baka wala ka nang makita na lalake na magmamahal sayo, at
hinding hindi nya sasayangin ang pag-ibig mo" dahil marami pa talaga or
baka nga nandyan lang sa tabi nyo na naghihintay lang din na mapansin
nyo. Masarap ang may minamahal at pinapahalagahan na pahahalagahan ka
din. Naranasan ko na din yan kaya napapasabi ako ng mga ganitong bagay,
kaya nga't nanghihinayang ako sa mga taong hindi nakakaramdam, mga
taong hindi marunong magpahalaga.
Minsan hindi ko maintindihan
Parang ang buhay natin ay napagti-tripan
Medyo Malabo yata ang mundo
Binabasura ng iba ang siyang pinapangarap ko
Parang ang buhay natin ay napagti-tripan
Medyo Malabo yata ang mundo
Binabasura ng iba ang siyang pinapangarap ko
Masakit makitang binabasura ng iba
yung taong pinapangarap mo. Oo masakit talaga yan lalo na't alam mo ang
nangyayari sa pagitan nilang dalawa na para bang andun ka at nanunuod ng
soap opera sa tv. Hindi nila alam na may taong handang sumalo sa
pangarap nya para lang mapunan yung pagkukulang nang nauna. Na kahit
abutin ng matagal na panahon ay ayos lang sa kanila.
Anong gagawin ko? hindi ako
magdadalawang-isip na pahalagahan yung iniwan nila dahil may nakita
akong hindi nila nakita. Na alam kong worth pahalagahan at worth taking
the risk. Dahil alam ko din kung anong pakiramdam ng maiwan at hindi
pahalagahan. Yan ang naging kalbaryo ko sa loob ng nakaraang dalawang
taon. Alam ko kung paano pahalagahan ang isang tao lalo na't
karapat-dapat syang sumaya nang walang iniisip mula sa nakaraan.
(as of the moment, wala akong
pinatutungkulang specific na tao / mga tao sa post na ito, sariling
pananaw ko ito at maaaring magbago sa pagdaan ng mga araw)
No comments:
Post a Comment