July 9 2013, 4:30pm, Tuesday
Para bago naman, magtatagalog ako sa blog ko na to. Since nung huling post ko dito (which is nung March pa), marami akong pinagkaabalahan sa aking buhay-buhay. Nakapunta ako sa iba't-ibang lugar na first time ko lang mapuntahan (isa na dito yung makapag gala sa Shangri La o kaya pumunta sa Quezon City para kumuha ng Birth Certificate sa NSO), marami rin akong natry na iba't-ibang pagkain (mga turo-turo na wala dito sa amin), marami din akong nakasalamuhang mga tao (more than one is many).
Well, nagback read ako ng mga post ko nung ako'y nag-aaral pa at nakita kong napakadrama pala ng buhay kolehiyo ko. Alam ko namang nag-enjoy ako sa mga pinaggagawa namin noon or ni wala man akong regrets sa mga taong nakilala o nakadaupang palad ko ng mga panahon na yon. Masasabi ko lang na malaki ang pasasalamat ko sa lahat ng taong naging kaibigan ko at naging malapit sa akin sa limang taon ko sa kolehiyo (oo limang taon, wag mo nang itanong kung bakit), basta nagpapasalamat ako sa kanila dahil nairaos ko ang aking pagiging estudyante nang dahil sa kanila. so para sa mga katropa ko nung college, Ka Jords at Ka JM, sa bestfriend/shitmate/mome kong si Jam na walang kapantay, sa aking ama na si X, sa mga kapatid ng aking mome na sina Pritchi at Pat, kasama na din sa listahan ang aking lemon na si Mae, sa aking nag-iisang anak na si Lue, sa mga walang katapusang kwentuhan kasama sina Mel at Jo, sa kakulitan ni Peps at Boj.. at sa ibang anonymous na hindi ko na mababanggit dahil hindi naman to last will and testament.
Inaamin ko naman na madrama talaga ang buhay kolehiyo ko, ganyan talaga, pag nagmahal tayo, masasaktan tayo (hindi naman pwedeng puro sarap lang). Ang sa akin lang eh i wish na maging happy sya sa mga ginagawa nya at maging successful sya sa buhay. Marami rin akong natutunan dahil sa mga pangyayari, natutuo akong makinig sa mga pinagsasabi ni Papa Jack sa radyo, sa pag-antabay sa airing ng BNO (Boys Night Out) at natutunan ko din mag-open up sa mga tropa ko (hindi talaga ako pala salita tungkol sa mga ganitong bagay sa personal kaya marami akong nailalagay sa mga ganitong blog). Naging masaya din naman ako dahil naranasan ko ang magkaroon ng pinapahalagahan sa buhay.
So ano na ngayon? nakahanap na rin ako ng trabaho sa isang unibersidad sa may Maynila. Okay na din ang pasweldo kahit na simula sa baba (mas mataas ng kaunti sa minimum pay). Okay din naman yung environment ng paaralan, wala na kong reklamo dun. Okay din kasi makikita ko yung kaibigan kong itatago natin sa pangalang Azalea dahil dun sya napasok bilang estudyante. Tsaka marami na rin akong nakilala dun na sa tingin ko ay okay lang na makasalamuha. Well, mas masaya magkaroon ng mga panibagong experience so go lang ng go.
sa tingin ko mahaba na ito at marami man akong kalungkutang dinaranas ngayon na kahit dito ay ayaw ko nang ilagay, marami na rin akong nasabi na naipagpapasalamat ko at may naaalala pa ko sa aking mga pinagdaanan na nakatulong ng malaki sa kung sino ako ngayon. Kahit na naguguluhan ako sa sarili ko sa ngayon, kailangan maging masaya parin. hanggang dito nalang muna..
PS: wag nyong papanuorin yung A Millionaire's First Love kung ayaw nyong maiyak sa dulo.. hahahahaha, yan ang naging source ng kalungkutan ko nitong mga nakaraang araw..
No comments:
Post a Comment