Monday, March 7, 2011

think-a-lots part 7

so eto, isang tagalog version ng think-a-lots ko...oo bakit?..gusto ko magtagalog eh...wala ako sa mood gumawa ng blog in english ngayon....

maganda na simula ng araw ko eh.. nakapanuod ng magandang movie, nakakain ng maayos na breakfast, nakatanggap ng tawag mula sa mome ko...ano pa?..ayun nilaro ung mga kuting namin dito sa bahay (pito sila so medyo madami)..nanuod ng tv series sa bahay nina JM bago pumasok..hihingiin ko pa yung title nung series na un..haha..di ko nakuha kanina eh...
so pumasok talaga ako ng maaga para lang maglunch sa countryside kanina (kaya pala tumawag si mome para lang ayain ako)..kasama ko nga pala ang aking Lemon, si mome at sya...

masasabi ko rin namang ok na ung pagkakasama ko kanina..atleast kahit papano nakapag-usap kami kahit hindi direct diba? (think of a split second, like uhmmm... .12?) oo, nanghihinayang ako diba..ewan ko ba kung bakit pero gawi ng katawan ko na umiwas.. di ko nga alam kung bakit ko ginagawa yun ganung wala naman akong dapat iwasan sa kanya at dapat pa nga na lumalapit ako eh, kinakausap sya diba?...pero hindi eh...ano ba talagang nangyayari sakin?...alam ko nagkaganito na ko dati pero hindi ko matandaan kung anong nangyari nung mga sumunod...

buti nalang at nagkaroon ng time na napangiti ako saglit nung pinatago nya ung phone nya sakin..di ko alam kung sadya (ayoko mag-assume) o dahil ako lang yung may bag na malaki kanina..pero kahit papano napangiti ako dun kahit saglit (oo mababaw lang ako bakit?).. pero kinailangan ko kaagad umalis kasi may class ako eh.. (lintek na subject kasi yan...sayang ang pera eh..)so iniwan ko sila dun sa countryside..

ewan ko ba pero may side sa loob ko na para bang inaabangan ko yung pagdating nya..kahit alam ko na wala naman akong magagawa..siguro nga ganito talaga pag nasanay na sila ung unang lumalapit at kumakausap.. (dati yun, hindi na ngayon... oo kahit masakit..) totoo yang sinasabi ko...lagi ko syang hinihintay dumating..ewan ko kung katangahan nalang na ok lang sakin ung makita sya kahit di ko sya makausap...pero i feel contented..kasi ako din naman ang may kasalanan kung bakit ganito ngayon eh (oo tama sinisisi ko ang sarili ko sa mga nangyayari ngayon, sa pagiging walang kwenta ko diba..sana iba na, pero hindi eh, tanga tanga tanga,,, ) 

ayun nga...akala ko din maihahatid ko sya kanina pero hindi rin pala..umuwi sya eh..yun na yung time na gustong gusto ko na syang yakapin tsaka kausapin eh..ayaw talaga eh...di nagkakatagpo kapag anjan na...

ok na rin siguro un kasi makakapagpahinga sya (yep icomfort daw ba ang sarili?).. malapit na din kasi ung major event namin eh...kahit dun lang makita ko syang nageenjoy sa pagsasayaw ok na ko (okay tama na siguro ka-emohan pero tuloy parin eh, dito na nga lang makakapaglabas ng sama ng loob eh...)..oo magaling sya sumayaw and i want to see her dance talaga...

ayun, pagkaalis nung iba laughtrip naman sa kubo tapos biglang umulan (naisip ko nalang na ok lang din pala na umuwi sya ng maaga atleast naiwasan nya ung mabasa sa ulan).. oo naligo kami sa ulan...wala kasi kami payong eh...tsaka trip namin maligo talaga kanina so nagkaroon ng katuparan ang aming mga pangarap kanina (haha)..at ayun umuwi kaming mga basang sisiw kanina...

well, dito ko na rin sasabihin na nanghihinayang ako nung hindi ko sya nakita nung friday..oo nung friday...kasi yung sinabi kong "may kasunod pa yan" eh nung friday ko binalak, pero nasayang din lang...hindi ko na ilalagay kung magkano man yun pero wala na eh..nasayang lang...ayun lang...nanghinayang lang ako........

12:19am sa aking orasan...hawak ang mahiwagang cellphone at remote ng tv...pumapapak ng mani na luto ni mudra...at nagpapatugtog sa aking magaling na PSP......

No comments:

Post a Comment