Thursday, March 10, 2011

boredom strikes / Think-a-lots part 8

Ikaw pala ang aking hinahanap-hanap
ikaw pala ang awit na hindi matanggal sa'king isipan
di na mahalaga kung saan ako dalhin ng hangin
basta't andito sa king piling...

Nung hindi na nakatingin
at saka ka dumating
nandyan ka lamang pala di ka man lang nagsalita

ikaw pala, aking hinahanap
ang bahaghari ko sa likod ng ulap
ikaw ang hulog ng langit sa puso kong napunit
dahil sa dramang paulit-ulit 
kanina ka pa ba nariyan? 
-Ikaw Pala / Sugarfree


Mahal kita pero hindi mo lang alam, hindi mo lang alam kasi wala nga naman akong ginagawa. ayaw mo naman itanong sakin kasi baka nga naman hindi nga naman ikaw at hindi ko rin naman sasabihin sayo ng harapan kasi ayoko pa sa ngayon ang manligaw. Mahal kita pero hindi nga lang halata, hindi halata kasi wala nga naman akong ginagawa, hindi ako kumikibo hindi ako nagsasalita wala pero hindi ako torpe, hindi ko lang masabi sayo ng harapan. Mahal kita pero dehins mo paring ramdam. Hindi mo ko titignan, di rin kita titignan. Lagi mo kong pakikiramdaman, lagi rin kitang pakikiramdaman at araw-araw tayong magdededmahan hanggang sa tayo ay magkabistuhan..
- Lagi mo nalang akong dinededma / Rocksteddy

Nobody said it was easy
its such a shame for us to part
Nobody said it was easy
no one ever said it would be this hard
I'm going back to the start....
- The Scientist / Coldplay


nakita nyo naman, wala akong magawa sa PR Class namin kaya napapasulat ako ng ganito. It means na super bored na ko and kung anu-anong kanta yung pumapasok sa isip ko. Halos puro local songs ata or may halong international. Ganito ako pagbored, napapasulat ng wala sa oras. Oo hindi ako nagdodrawing ngayon kasi wala ako sa mood kunin yung pencil ko sa bag. Tinatamad din akong makinig kay sir kasi ito din naman yung topic last meeting. Oo tinatamad kami, i mean yung mga katabi ko  at maaaring ito na rin ang sunod na think-a-lots ko. 

Hindi ko na alam yung ginagawa ko. Alam ko sa sarili ko na gustong gusto ko na syang yakapin at kausapin pero ayaw sumunod ng katawan ko, Yung kahapon nga gustong gusto kong manuod pero sa hindi ko malamang pwersa ng kalikasan eh naiilang ako. Siguro kasi alam ko na may nagmamasid kaya siguro ganun ako nung araw na un. Magaling silang magperform lalo na sya, ano pa nga bang aasahan ko sa isang magaling na choreographer diba? Masaya ako na naging maganda ung kinalabasan ng event kagabi. Nautusan ko pa talaga si bii na kung pwede na sya nalang ung gumawa ng mga gusto kong gawin at sabihin nung oras na un. Alam naman siguro nila na nakakailang gumalaw kapag andyan ang magulang eh. Nakakailang lang talaga siguro pero kung kung may chancena malapitan ko sya at makausap eh ginawa ko na, alam mo yung feeling na miss na miss mo na yung isang tao kahit andyan lang sya palagi sa paligid mo? sa araw araw na dumaan yun ang nararamdaman ko ngunit sa hindi ko malamang dahilan eh ayaw sumunod ng katawan ko kahit gustong gusto ko ng gawin. Alam ko na kasalanan ko lahat ng nangyayari sa ngayon. Lagi kong hawak si psp ko para mawala o mabawasan ung stress na nararamdaman ko. Alam nyo naman na yun lang ang natitirang stress reliever ko lalo na't hindi ko sya naaapproach ngayon (oo isa sya sa mga stress relievers ko kung hindi nyo lang alam). Oo the best syang stress reliever, mas magaling pa sa kayang gawin ng psp at ng soundtrip. Siya ang kailangan ko at hindi ang mga gamit na to pero hindi ko sya malapitan ngayon kahit na matagal ko ng gustong gawin kaya naibabaling ko na lamang sa iba ang atensyon ko, Nanghihinayang ako sa mga oras na sinasayang ko, ilang araw nalang ang natitira at magtatapos na ang semester tapos magkakaganito pa. Hindi ko talaga matatanggap kung matatapos ang semester ng ganito nalang. 

Ayoko na munang mag-isip sa ngayon basta ang gusto ko lang eh makausap at mayakap sya, sa akin ay sapat na yun. Oo maghihintay parin ako kahit anong mangyari, hindi na magbabago yung nararamdaman ko para sa kanya.

PR class pa din namin ng natapos ko tong isulat sa aking notebook pero ganun padin eh, bored at ang tanging kasama ay ang mahiwagang skyflakes na galing sa Diner. 

3:14pm
JFH204

No comments:

Post a Comment