Showing posts with label blog. Show all posts
Showing posts with label blog. Show all posts

Sunday, February 26, 2012

birthday blog

February 26, 2012  7:47pm Sunday

well, supposed to be this is my day.. and like any other days, this one is pretty normal.. just ate and ate lotsa food.. just like my normal day..

(dugo ilong, nosebleed)

ewan ko ba..parang naghihintay ako kung anong magaganap sa araw na to..
hinayaan lang ako ni kuyang mag-online buong araw dahil nagawa sya ng Gundam Origami nya...
pero wala pa ding ganap..

nakakatanga..
napagod na kong manuyo pero bakit ni hindi man lang ako mapagod sa paghihintay at pag-asa?..
siguro nga hinihintay ko nalang matapos tong semester na to para tapos na lahat..hindi dahil sa ayoko ng makita ang mga tropa kong sobrang astig pero dahil sa iba pang dahilan..

nakakapagod..
nakakapagod talaga lahat ng nangyari.. malakas ako pero wala eh..di ko kinaya.. sabi nga ng isa kong kaibigan.. pag napagod ka na.. magpahinga ka na ng tuluyan kasi wala ring saysay kung magpapakapagod ka lang ulit ng walang matatamo.. 

nakakapanghinayang..
yan ang dala ng retreat.. andami kong natutunan sa mga sessions sa loob ng conference room pero yung mga napaguusapan ng grupo namin habang break time at nasa iisang kwarto ay hindi kailanman matatapatan at matutumbasan ng kahit na ano.. yung huling conference nga na dapat e si ka-drayber ung bigyan ng payo eh parang ako na rin ata ang natauhan.. wala akong nagawa kundi makinig lang sakanila..well, andun din naman sya sa kwarto na yun at pinapanood ako maglaro ng hangman.. ayoko nalang talagang magsalita nung mga panahon na yun.. tulad nga ng sinabi nya sa isa pang SNS, retreats should be made earlier and longer, mas maganda nga siguro kung nagkaganun.. dahil sa retreat nalang din na un ko siya nakausap ng ganon katagal.. ewan ko ba..achievement ko na yun.. di ko inaasahan eh.. marami rami din akong pinanghihinayangan pero wala na kong magagawa kasi andun na yun...

dapat masaya ako ngayon kasi birthday ko.. pero hindi eh.. hindi ako naging msaya sa araw na to... gusto ko sana at pinilit ko namang maging pero wala...

happy birthday sakin....

8:02pm...

Tuesday, October 4, 2011

morning blog entry....

6:16am Tuesday October 4 2011

its a good morning world.. hindi padin ako natutulog.. enjoying my 14th cup of coffee right now and maybe 15th would be the last one for this morning.. have unpacked new batch of coffee earlier.. so medyo matatahimik muna ako mamaya and thats cool for me..

may reporting nga pala kami ngayon..and di ko alam kung bakit hindi kami nangangarag..feeling kasi namin saglit lang mamaya ung gagawin..wapakels na..bahala na si batman tutal malakas naman loob nya eh at sya ang gumagawa ng lahat para sa lahat..

2 days to go...2 days nalang..konting tiis pa.. kahit feeling mo na bumalik ulit sa dati at parang dejavu na ang lahat..konting tiis lang..nakatiis ka dati hindi ba? nakapaghintay ka din naman ng matagal na panahon..ano ba naman ung dalawang araw na paghihintay kahit sa tingin mong may tsansang huli na ang lahat? last bet mo na to..ika nga nila.. put your aces on the table na.. and just hope that it will do you good in the long run..malay mo may mangyaring hindi mo inaasahan for that day.. wag kang mawalan ng pag-asa.. kahit sabihin mong ngayon mo lang gagawin to..maniwala ka lang sa sarili mo at magiging okay lang din ang lahat..kahit sa tingin mong hindi na to uso.. eh un lang ang alam mo.. un din ang maganda dun kasi kakaunti nalang ang naglalakas loob na gawin un..mas malala pa un sa "leap of faith" ng mga assassin, mas nakakakaba kesa sa "canyon race" mo sa Need For Speed, at mas pamatay kesa sa mga "juggle moves" mo sa tekken.. pero ang maganda jan, mas totoo pa yun kesa sa Ripley's Believe it or Not, may tsansang magkatotoo ang "sands of time" ng Prince of Persia para sayo, at mapatunayan mong kaya mong gawin ang "Dance of the Fire Whip" ni Kratos sa God of War.. pero pero pero... baka un din ang maging "The End" mo tulad ng ginagawa ni Selphie sa Final Fantasy 8...

pero kung ako sayo itutuloy ko lang kesa magdalawang isip ka jan na ipagpaliban nalang..this would be a special one and kahit walang mangyari, atleast alam mong you have done something na hindi magagawa ng iba..mahal mo diba? sabihin mong mahal mo! ipaglaban mo! malay mo naghihintay lang sya! kahit feeling mo binabalewala ka lang nya.. gawin mo! maghihintay ako sa gagawin mo....